Bogs: Mae! Mae! Mae, sandali… Mae, it’s not what you think. Mae, please naman oh, makinig ka sakin. Mae, wala yun. Wala talaga yun. Kelan ba ‘ko nagsinungaling sa’yo?
Mae: Kelan? Dati Bogs, hindi… pero simula nang nakasanayan mo kong sabihan na mahal mo ‘ko, naging sinungaling ka na.
Bogs: Hindi. Hindi totoo yun. Hindi kita mahal? Hindi kita mahal?!
Mae: Mahalaga lang siguro, Bogs… pero hindi mahal.
Bogs: Mae, wag nang ganito. Wag ganito… kung hindi kita mahal, bakit ako nasasaktan na makita kitang ganyan?
Mae: Bogs, minahal mo ba talaga ako? O sinubukan mo lang akong mahalin para hindi rin kita iwan? Ano ba talaga ang totoo?
Bogs: Ganun ba akong klaseng tao, Mae? Isusugal ko ang friendship natin? Gagawin kitang panakip-butas? Tapos ano? Para ano? Isinugal ko dahil mahal kita… kaya lang…
Mae: Ayan! Dyan tayo sumasablay, Bogs eh. Sa ‘kaya lang’. Laging may ‘kaya lang’. Never naging simpleng ‘mahal kita, Mae’. Yun lang naman ang gustong marinig ng kahit na sino, diba? Bakit hindi mo magawa sakin yun? Bogs, walang namilit sa’yo. Walang nagmakaawa sa’yo. Sinabi ko lang naman sa’yo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago yun. Bogs, sana lumayo ka na lang… Sana umiwas ka na lang, maiintindihan ko pa yun… pero Bogs, syinota mo ko e! Syinota mo ang best friend mo! At nung bumalik si Anna, ipinatalo mo ang lahat… Ipinatalo mo lahat pati ako! Pati ako, ipinatalo mo, Bogs! Congratulations! Congratulations, natalo tayo.